Wednesday, August 27, 2008

angst..

"no man is an island" ika nga..

pero mas gugustohin ko nang mag-isa kaysa ikaw ang makasama.

IKAW! oo ikaw!

sinabi ko na sa'yo noon pa ayoko sa'yo, break na tayo!

heto ka na naman.. nag papakita.. nagpaparamdam.. dikit ng dikit.. lapit ng lapit..

nagsama ka pa ng mga ka tropa.

nahihirapan ako. nasasaktan.

you have been a part of my life since who knows when.. hanggang kailan pa ba ako mag titiis?

nagawa ko na lahat mawala ka lang. pero anjan ka pa rin. ang lakas din ng loob mong bumalik.

ayokong isiping naiinggit lang ang lahat ng dyosa sa Mt. Olympus kung kaya't ganito ang parusa sa akin.

gustohin ko man mag pakumbaba pero kailangan kong tanggaping yan nga cguro ang dahilan.

gusto kog lumigaya. gusto kong maging masaya kaya sana lumayo kana.

ayaw kitang makita. ayaw kitang makasama..

ikinakahiya kita.

umalis kana, kayo ng barkada mo.

iwan mo na ako at wag ka ng mag iwan ng kahit anong mag papaalala sayo.

pakiusap.. sa hindi ko na mabilang na beses at pagkakataon.. tantanan mo na ako.

sana bukas pag gising ko wala kana.

paalam!

--wala lang.. sulat ko ito sa aking pimple na heto't minumulto na naman ako. syet yan! nag pakita na naman!

1 comment:

Anonymous said...

wow ang galing mo han hehehe...